nagsalubong ang ating mata
sa ikatlong pahina
at tuluyan nang lumiwanag
ang umaga sa silid-aklatan
sino nga ba naman di masisilaw
sa pangkinse anyos mong mukha
(na tila milagro)
na mapag-isa sa katawang mas mainit pa
sa paborito kong marka sotes sa kanto?
sinalat ng daliri
ang magaspang na pahayagan
ngunit walang nadama
kundi pagka-uhaw nitong tigang na sikmura
sa iyong laman
naisin man,
isa lang ako sa libo-libong
inuulam sa tanghali
ang mapanukso mong ngiti
*marka sotes - Bicolano version of sweet bread
*marka sotes - Bicolano version of sweet bread
No comments:
Post a Comment